Dahil sa pustahan ni Ares, naging lobo at bampira sina Leonidas, hari ng Sparta, at Sasan, hari ng Persia. Muling nagtagpo ang landas nila kay Helen, ang babaeng may tanging dugong makapagpapatahimik sa kabangisan nila. Dito nagsimula ang labanan at mapaminsalang pag-ibig ng tatlo na lumalampas sa isang libong taon, gapos ng isang madugong kapalaran.